19 At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.
20 Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
21 Batiin ninyo ang bawa't banal kay Cristo Jesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko.
22 Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar.
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu.