2 Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.
3 Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.
4 At ipinanganak sa kaniya ni Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.
5 Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.
6 At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.
7 At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.
8 At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.