17 Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim):
18 Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una.
19 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang.
20 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,
21 Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.
22 Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot sa akin, Oh Israel.
23 Hindi mo dinala sa akin ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan.