1 Pagkatapos ng salot, sinabi ng Panginoon kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron,
2 “Isensus ninyo ang buong mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na 20 taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.”
3 Kaya nakipag-usap sina Moises at Eleazar na pari sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.
4 Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na 20 taon pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”Ito ang mga Israelitang lumabas sa Egipto:
5 Ang mga lahi ni Reuben na panganay na anak ni Jacob, ay ang mga pamilya nina Hanoc, Palu,
6 Hezron at Carmi.
7 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Reuben; 43,730 silang lahat.