19 Bumubuga siya ng apoy,
20 at umuusok ang ilong na ang usok ay parang nagmumula sa kumukulong palayok na may nagliliyab na panggatong.
21 Ang hininga niyaʼy makapagpapabaga ng uling dahil sa apoy na lumalabas sa kanyang bunganga.
22 Nasa leeg ang kanyang lakas, at ang makakita sa kanya ay kinikilabutan.
23 Kahit ang kanyang mga laman ay siksik at matitigas.
24 Matigas din ang puso niya, kasintigas ng gilingang bato.
25 Kapag siyaʼy tumayo, takot na takot pati ang mga makapangyarihang tao.