1 Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatan na may sulat ang loob at labas at sinarhan ng pitong selyo.
2 At nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na nagtanong nang malakas, “Sino ang karapat-dapat na mag-alis sa mga selyo at magbukas sa kasulatan?”
3 Ngunit wala ni isa man, maging sa langit, maging sa lupa o sa ilalim ng lupa, na makapagbukas o makatingin sa nilalaman niyon.
4 Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon.