30 Nag-alala ang hari na kakapusin siya ng panustos sa kanyang mga gugulin at karangyaang hindi ginagawa ng mga haring nauna sa kanya.
31 Labis niya itong ikinabahala, kaya nagpasya siyang pumunta sa Persia upang maningil ng buwis sa paniwalang doon siya makakakuha ng halagang kailangan niya.
32 Bago siya umalis, tinawag niya si Lisias, isang taong kilala at nagmula sa maharlikang angkan. Ginawa niya itong gobernador upang mamahala sa lupain mula Ilog Eufrates hanggang sa hangganan ng Egipto.
33 Kay Lisias din niya ipinagkatiwala ang anak niyang si Antioco.
34 Matapos pagbilinan, iniwan ng hari ang mga elepante at ang kalahati ng hukbo upang magamit ni Lisias sa kanyang pangangailangan. Tungkol naman sa mga taga-Judea at Jerusalem,
35 ang utos ng hari ay salakayin ito upang wasakin nang lubusan,
36 pagkatapos ay patirahan at ipamahagi sa mga dayuhan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng palabunutan.