12 Sa Bashan, ang pinuno ng unang angkan ay si Joel, at si Safam naman ang sa pangalawang angkan. Sina Janai at Safat ay mga pinuno rin ng iba pang angkan doon.
13 Kabilang pa rin sa lipi ni Gad sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia at Eber. Ang pitong ito
14 ay mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead at apo ni Micael na anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jahdo at apo ni Buz.
15 Ang kanilang pinuno ay si Ahi na anak ni Abdiel at apo ni Guni.
16 Nanirahan ang mga ito sa mga bayang sakop ng Bashan at Gilead hanggang sa malawak na pastulan ng Saron.
17 Ang mga talaang ito ay isinaayos nang si Jotam ay hari ng Juda, at si Jeroboam naman ang hari sa Israel.
18 Matatapang ang mga kawal ng mga lipi nina Ruben at Gad, gayundin ng kalahating lipi ni Manases. Sila'y mga sanay na mandirigma; bihasa sa paggamit ng kalasag, tabak, at pana. Binubuo sila ng 44,760 kawal.