30 Sa utos ni Judas, na ang katawa't kaluluwa'y tagapagtanggol ng mga kababayan sapul pagkabata, ipinaputol ang ulo't kanang kamay ni Nicanor upang dalhin sa Jerusalem.
31 Pagbabalik nila roon, tinipon ni Judas ang mga Israelita, nagtalaga ng mga pari sa harap ng altar, at tinawag ang lahat ng tauhang nasa tanggulan.
32 Ipinakita niya sa kanila ang ulo ng tampalasang lapastangang si Nicanor at ang kamay nito na buong paghahambog na iniunat laban sa banal na Templo ng Makapangyarihang Diyos.
33 Ang dila ni Nicanor ay pinutol din ni Judas para tadtarin at ipakain sa mga ibon. At ipabitin naman sa tapat ng Templo ang ibang parte ng katawan nito.
34 Lahat ng naroroon ay tumingala sa langit at nagpuri sa Panginoon na naghayag ng kanyang banal na kapangyarihan at nag-ingat sa Templo upang ito'y manatiling malinis.
35 Kinuha ni Judas ang ulo ni Nicanor at ibinitin sa pader ng kuta bilang katibayan ng tulong na ibinigay ng Panginoon.
36 Nagkaisa ang lahat na aalalahanin nila ang araw na ito at ipagdiriwang tuwing ika-13 araw ng ika-12 buwan ng taon na tinatawag na buwan ng Adar sa wikang Aramaico, at ang araw na ito ay bisperas ng Araw ni Mordecai.