1 Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse.Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw ang isang bagong hari.
2 Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh,ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,ng mabuting payo at kalakasan,kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.
3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh.Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita,o magpapasya batay sa kanyang narinig.
4 Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha,at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.
5 Maghahari siyang may katarungan,at mamamahala ng may katapatan.