2 Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh,ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,ng mabuting payo at kalakasan,kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.
3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh.Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita,o magpapasya batay sa kanyang narinig.
4 Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha,at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.
5 Maghahari siyang may katarungan,at mamamahala ng may katapatan.
6 Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon,at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.
7 Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain,ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi,ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
8 Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas,hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.