4 Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha,at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.
5 Maghahari siyang may katarungan,at mamamahala ng may katapatan.
6 Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon,at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.
7 Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain,ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi,ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
8 Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas,hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.
9 Walang mananakit o mamiminsalasa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala;sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh,kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
10 Sa araw na iyon, lilitaw ang isang hari mula sa angkan ni Jesse,at ito ang magiging palatandaan para sa mga bansa.Ang mga bansa'y tutungo sa banal na lunsod upang siya'y parangalan.