9 Walang mananakit o mamiminsalasa nasasaklaw ng aking bundok na pinagpala;sapagkat ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala kay Yahweh,kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig.
10 Sa araw na iyon, lilitaw ang isang hari mula sa angkan ni Jesse,at ito ang magiging palatandaan para sa mga bansa.Ang mga bansa'y tutungo sa banal na lunsod upang siya'y parangalan.
11 Sa araw na iyon, muling kikilos ang Panginoonupang pauwiin ang mga nalabi sa kanyang bayan na mga bihag sa Asiria, sa Egipto, sa Patros, sa Etiopia, sa Elam,sa Sinar, sa Hamat at sa mga pulo sa karagatan.
12 Magbibigay siya ng isang palatandaan sa mga bansa,at titipunin niya ang mga anak nina Israel at Juda na itinapon sa ibang lupain.Pauuwiin ang mga nangalat na anak ni Judamula sa apat na sulok ng daigdig.
13 Mapapawi na ang pagkainggit ng Israel,at mapuputol na ang pagkamarahas ng Juda.Hindi na maninibugho ang Israel sa Juda,at hindi na kakalabanin ng Juda ang Israel.
14 Lulusubin nila ang mga Filisteo sa kanluranat magkasama nilang sasamsamin ang ari-arian, ang mga bansa sa silangan;sasakupin nila ang Edom at Moab,at susundin sila ng mga Ammonita.
15 Tutuyuin ni Yahweh ang Dagat ng Egipto,at magpapadala siya ng mainit na hanginupang tuyuin ang Ilog Eufrates.Ang matitira lang ay pitong maliliit na batisna tatawiran ng mga tao.