13 laban sa lahat ng nagtataasang sedar ng Lebanon,at laban sa lahat ng malalaking punongkahoy sa Bashan;
14 laban sa lahat ng matataas na bundokat mga burol;
15 laban sa lahat ng matataas na toreat matitibay na pader;
16 laban sa mga malalaking barko,at magagandang sasakyang dagat.
17 Pagdating ng araw na iyon, ang mga palalo ay papahiyain,at ang mga maharlika, ay pababagsakin,pagkat si Yahweh lamang ang dapat dakilain,
18 at mawawala ang lahat ng diyus-diyosan.
19 Magtatago ang mga tao sa mga yungib na batoat sa mga hukay sa lupa,upang kanilang matakasan ang poot ni Yahweh;at ang kaluwalhatian ng kanyang karangalan,kapag siya'y nagbangon upang sindakin ang daigdig.