1 Kawawa ang Jerusalem,ang lunsod na himpilan ni David!Hayaang dumaan ang taunang pagdiriwang ng mga kapistahan,
2 at pagkatapos ay wawasakin ko ang lunsod na tinatawag na “altar ng Diyos!”Maririnig dito ang panaghoy at pagtangis,ang buong lunsod ay magiging parang altar na tigmak ng dugo.
3 Kukubkubin kita,at magtatayo ako ng mga kuta sa paligid mo.
4 Dahil dito, ikaw ay daraing mula sa lupa,maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot,nakakatakot na parang tinig ng isang multo,at parang bulong mula sa alabok.