11 Lisanin ninyo ang Babilonia,mga tagapagdala ng kasangkapan ng Templo.Huwag kayong hihipo ng anumang bagay na ipinagbabawal.Manatili kayong malinis at kayo ay mag-alisan.
12 Ngayon ay lalakad kayong hindi na nagmamadali.Hindi na kayo magtatangkang tumakas.Papatnubayan kayo ni Yahweh;at iingatan sa lahat ng saglit ng Diyos ng Israel.
13 Sinabi ni Yahweh,“Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain;mababantog siya at dadakilain.
14 Marami ang nagulat nang siya'y makita,dahil sa pagkabugbog sa kanya,halos hindi makilala kung siya ay tao.