1 Sumagot ang mga tao,“Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito?Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?
2 Kalooban ni Yahweh na matulad sa isang halaman ang kanyang lingkod,parang ugat na natanim sa tuyong lupa.Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin,walang taglay na pang-akit para siya ay lapitan.
3 Hinamak siya ng mga tao at itinakwil.Nagdanas siya ng hapdi at hirap.Wala man lang pumansin sa kanya.Binale-wala natin siya, na parang walang kabuluhan.
4 “Tunay ngang inalis niya ang ating mga kahinaan,pinagaling niya ang ating mga karamdaman.Subalit inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.
5 Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niyaat sa mga hampas na kanyang tinanggap.
6 Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;nagkanya-kanya tayo ng lakad.Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanyaang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.
7 “Siya ay binugbog at pinahirapan,ngunit hindi kumibo kahit isang salita;tulad ay tupang nakatakdang patayin,parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,at hindi umiimik kahit kaunti man.