1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw,upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?
2 Sila'y manginginig na parang tubig na kumukulo sa init ng apoy.Ipakita mo ang iyong kapangyarihan sa iyong mga kaaway,upang manginig ang mga bansa sa iyong harapan.
3 Nang ikaw ay dumating sa nakaraang panahon, gumawa ka ng mga bagay na nakakapangilabot na hindi namin inaasahan;ang mga bundok ay nanginig sa takot nang ikaw ay makita.
4 Sangkatauhan ay wala pang nakikitao naririnig na Diyos maliban sa iyo;ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.
5 Tinatanggap mo ang mga taong nagagalak gumawa ng tama;at sila na sa iyo'y nakakaalala sa nais mong maging buhay nila.Ngunit kapag patuloy kaming nagkakasala, ikaw ay nagagalit.At sa kabila ng iyong poot, patuloy kami sa paggawa ng masama.
6 Lahat tayo'y naging marumi sa harapan ng Diyos;ang mabubuting gawa nati'y maruruming basahan ang katulad.Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon;tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating kasamaan.