12 Sinabi niya, “Huwag kayong maniwala sa sabwatan na sinasabi ng bansang ito;huwag kayong matakot sa kanilang kinatatakutan.
13 Ngunit si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang dapat ninyong kilalanin bilang Banal.Siya ang dapat ninyong igalang at dapat katakutan.
14 Sa dalawang kaharian ng Israel,siya'y magiging isang santuwaryo, isang batong katitisuran;bitag at patibong para sa mga naninirahan sa Jerusalem.
15 Dahil sa kanya, marami ang babagsak, mabubuwal at masusugatan;marami rin ang masisilo at mahuhulog sa bitag.”
16 Ingatan mo at pagtibayin ang mensaheng ito para sa aking mga alagad.
17 Maghihintay ako kay Yahweh na tumalikod sa sambahayan ni Jacob;at sa kanya ako aasa.
18 Ako at ang mga anak na kaloob sa akin ni Yahwehay palatandaan at sagisag sa Israel,mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat na naninirahan sa Bundok ng Zion.