25 Ibibigay kita sa kamay ng mga ibig pumatay sa iyo, sa mga taong iyong kinatatakutan, kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa kanyang mga sundalo.
26 Itatapon ko kayong mag-ina sa isang lupaing malayo sa lupang sinilangan mo. Doon na kayo mamamatay.
27 At hindi na kayo makakabalik sa sariling bayan na nais ninyong makitang muli.”
28 Ito bang si Conias ay tulad sa isang bangang itinakwil, basag, at walang ibig umangkin? Bakit siya itinapon, pati ang kanyang mga anak, sa isang bansang wala silang nalalaman?
29 O aking bayan!Pakinggan ninyo ang mensahe ni Yahweh!
30 Ganito ang sinasabi niya:“Isulat mo tungkol sa lalaking ito na siya'y hinatulang mawawalan ng anak,na hindi magtatagumpay sa kanyang buhay,sapagkat wala siyang anak na hahalili sa trono ni Davidat maghaharing muli sa Juda.”