4 Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay,ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.
5 Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama,ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.
6 Ang tahanan ng matuwid ay puno ng kayamanan,ngunit ang masama'y nagkukulang sa lahat ng kailangan.
7 Ang labi ng may unawa ay nagkakalat ng karunungan,ngunit hindi ganoon ang hangad ng isang mangmang.
8 Kasuklam-suklam kay Yahweh ang handog ng masama,ngunit sa panalangin ng matuwid siya ay natutuwa.
9 Sa gawaing masama, si Yahweh ay namumuhi,ngunit kanyang minamahal ang sa katuwiran lumalagi.
10 Ang gumawa ng masama ay tatanggap ng parusa,at tiyak na mamamatay ang ayaw ng paalala.