6 Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan,at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan.
7 Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan;kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan.
8 Ang tsismis ay masarap pakinggan,gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan.
9 Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.
10 Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan,kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.
11 Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlungan,akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan.
12 Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan,ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.