29 siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa.
30 Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin.
31 Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon.
32 Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig.
33 Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan.
34 Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban,
35 maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan.