5 Huwag mo silang patawarin at huwag mong kalimutan ang kanilang mga kasalanan, sapagkat hinamak nila kaming mga nagtatrabaho.”
6 Lalo kaming nagpatuloy sa pagtatayo ng pader, kaya't hindi nagtagal at nangalahati na ang taas nito dahil masigasig ang mga tao sa pagtatrabaho.
7 Nang mabalitaan nina Sanbalat, Tobias at ng mga taga-Arabia, Ammon at Asdod na halos mabuo na namin ang pader ng Jerusalem at ang mga butas nito ay natakpan na, lalo silang nagalit.
8 Nagkaisa silang salakayin ang Jerusalem upang kami'y guluhin.
9 Kaya nanalangin kami sa aming Diyos at nagtalaga kami ng mga bantay araw at gabi.
10 Ang mga taga-Juda ay may ganitong awit:“Nanghihina kami sa bigat ng pasan,at sobrang dami ng batong nabuwal.Hindi namin kaya ang hirap na ito na itayo ang pader sa maghapong trabaho.”
11 Akala ng aming mga kaaway ay hindi namin sila makikita at hindi namin alam ang kanilang binabalak na pagsalakay. Iniisip nilang mapupuksa nila kami at mahihinto ang aming gawain.