1 Ito ang pahayag tungkol sa Moab:Noong gabing gibain ang Ar,gumuho na ang Moab,noong gabing wasakin ang Kir,bumagsak na ang Moab.
2 Umahon sa mga templo ang mga taga-Dibon,upang sa mga burol sila ay manangis;iniiyakan ng Moab ang Nebo at Medeba.Bawat isa sa kanila'y nagpakalboat nag-ahit ng balbas dahil sa pagdadalamhati.
3 Lahat ay nagluluksa sa mga lansangan,nanaghoy sila sa mga bubungan ng bahayat sa mga liwasang-bayan.
4 Nananaghoy ang Hesbon at ang Eleale,dinig hanggang Jahaz ang kanilang iyakan,nasisindak pati mga mandirigma ng Moab,silang mga kawal, ngayo'y naduduwag.
5 Nahahabag ako sa Moab,nagsisitakas ang kanyang mamamayanpatungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya.Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit,humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim,dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.
6 Natuyo ang mga batis ng Nimrim,natuyo ang mga damo, natigang ang mga kaparangan,walang natirang sariwang halaman.
7 Kaya itinawid nila sa kabila ng Batis Herabimang lahat nilang kayamanan at ari-arian.
8 Laganap sa buong Moab ang iyakan,abot sa Eglaim ang hagulgulan,dinig na dinig hanggang sa Beer-elim.
9 Pumula sa dugo ang mga batis ng Dibon;ngunit may iba pang sakunang inihanda ko para sa kanya:Papatayin ng leon ang lahat ng matitira sa Moab.