11 Ito ang pahayag ni Yahweh tungkol kay Sallum na humalili sa kanyang amang si Josias bilang hari ng Juda, “Umalis siya ng Juda at hindi na magbabalik.
12 Doon na siya mamamatay sa lugar na pinagdalhan sa kanya bilang bihag, at hindi na niya makikita pang muli ang kanyang bayan.”
13 “Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pandaraya,at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang.Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.
14 Sinasabi pa niya,‘Magtatayo ako ng malaking bahayna may malalaking silid sa itaas.Lalagyan ko ito ng mga bintana,tablang sedar ang mga dingding,at pipinturahan ko ng kulay pula.’
15 Kung gumamit ka ba ng sedar sa iyong bahay,ikaw ba'y isa nang haring maituturing?Alalahanin mo ang iyong ama; siya'y kumain at uminom,naging makatarungan siya at matuwid;kaya siya'y namuhay na tiwasay.
16 Tinulungan niya ang mga dukha at nangangailangan,kaya pinagpala siya sa lahat ng bagay.Pinatunayan niyang ako'y kanyang nakikilala.
17 Subalit kayo, wala kayong iniisip kundi ang sariling kapakanan.Pumapatay kayo ng taong walang kasalanan,at pinagmamalupitan ang mga tao.”Ito ang sabi ni Yahweh.