1 Sinabi ni Yahweh kay Job,
2 “Ang mapaghanap ba ng mali ay mangangatwiran,at sa Makapangyarihan ay makikipaglaban?Sinumang sa Diyos ay nakikipagtalo,ay dapat sumagot sa tanong na ito.”
3 Tumugon naman si Job,
4 “Narito, ako'y hamak at walang kabuluhan,wala akong maisasagot, bibig ay tatakpan.
5 Sa panig ko'y nasabi na ang lahat ng sasabihin,ako'y di na kikibo, nasabi'y di na uulitin.”
6 Buhat sa bagyo, sinagot ni Yahweh si Job,
7 “Tumayo ka ngayon at magpakalalaki,tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi.
8 Ako pa ba ang nais mong palabasing masamaupang iyong palitawin na ikaw ang siyang tama?
9 Ang iyong lakas ba ay katulad ng sa Diyos?Tinig mo ba'y dumadagundong, katulad ng kulog?
10 Kung gayon, balutin mo ang sarili ng dangal at kadakilaan,magbihis ka muna ng luwalhati't kaningningan.
11 Ibuhos mo nga ang tindi ng iyong poot,at ang mga palalo'y iyong ilugmok.
12 Subukin mong pahiyain ang mga palalo,at ang masasama'y tapakan sa kanilang puwesto.
13 Ibaon mo silang lahat sa ilalim ng lupa,sa daigdig ng mga patay sila'y itanikala.
14 Kung iyan ay magawâ mo, maniniwala ako sa iyona kaya mong magtagumpay sa sariling kakayahan mo.
15 “Ang dambuhalang hayop ay tingnan mo,gaya mo'y nilikha ko dito sa mundo.Ito'y parang baka kung kumain ng damo.
16 Ang lakas niya'y naiipon sa kanyang katawan;ang kapangyarihan, sa himaymay ng kanyang laman.
17 Ang tigas ng buntot niya ay sedar ang katulad,ang kanyang mga hita'y siksik at matatag.
18 Parang tanso ang kanyang mga buto,sintigas ng bakal ang kanyang mga braso.
19 “Siya ay pangunahin sa mga nilikha,ngunit magagapi nang sa kanya'y lumikha.
20 Siya'y nanginginain doon sa mga bundok,doon sa tirahan ng kapwa niya hayop.
21 Siya'y doon lumalagi sa ilalim ng tinikan,nakatago sa gitna ng mga talahib sa putikan.
22 Sanga ng mga puno ang sa kanya'y tumatakip,sa kanya'y nakapaligid sa tabi nitong batis.
23 Hindi siya natatakot lumakas man ang agos;ang Jordan man ay lumalim, mahinahon pa rin kung kumilos.