1 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,at handang saklolo kung may kaguluhan.
2 Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,kahit na sa dagat ang bundok matangay;
3 kahit na magngalit yaong karagatan,at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)
4 May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,sa banal na templo'y ligaya ang dulot.
5 Ang tahanang-lunsod ay di masisira;ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,mula sa umaga ay kanyang alaga.
6 Nangingilabot din bansa't kaharian,sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.
7 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)
8 Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!
9 Maging pagbabaka ay napatitigil,sibat at palaso'y madaling sirain;baluting sanggalang ay kayang tupukin!
10 Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,kataas-taasan sa lahat ng bansa,sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
11 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)