1 Mga Hari 15:18-24 TLAB

18 Nang magkagayo'y kinuha ni Asa ang lahat na pilak at ginto na naiwan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ibinigay sa kamay ng kaniyang mga lingkod: at ipinadala ang mga yaon ng haring Asa kay Ben-adad na anak ni Tabrimon, na anak ni Hezion, na hari sa Siria, na tumatahan sa Damasco, na nagsasabi,

19 May pagkakasundo ako at ikaw, ang aking ama at ang iyong ama: narito, aking ipinadala sa iyo ang isang kaloob na pilak at ginto; ikaw ay yumaon, sirain mo ang iyong pakikipagkasundo kay Baasa na hari sa Israel, upang siya'y lumayas sa akin.

20 At dininig ni Ben-adad ang haring Asa, at sinugo ang mga puno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel, at sinaktan ang Ahion at ang Dan, at ang Abel-bethmaacha at ang buong Cinneroth, sangpu ng buong lupain ng Nephtali.

21 At nangyari nang mabalitaan yaon ni Baasa, na iniwan ang pagtatayo ng Rama, at tumahan sa Thirsa.

22 Nang magkagayo'y itinanyag ng haring Asa ang buong Juda; walang natangi: at kanilang inalis ang mga bato ng Rama, at ang mga kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo ng haring Asa sa pamamagitan niyaon ang Gabaa ng Benjamin at ang Mizpa.

23 Ang iba nga sa lahat na gawa ni Asa, at sa kaniyang buong kapangyarihan, at ang lahat niyang ginawa, at ang mga bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? Nguni't sa panahon ng kaniyang katandaan, siya'y nagkasakit sa kaniyang mga paa.

24 At si Asa ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Josaphat na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.