9 At nang ikadalawang pung taon ni Jeroboam na hari sa Israel ay nagpasimula si Asa na maghari sa Juda.
10 At apat na pu't isang taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacha, na anak ni Abisalom.
11 At ginawa ni Asa ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, gaya ng ginawa ni David na kaniyang magulang.
12 At kaniyang inalis ang mga Sodomita sa lupain, at inalis ang lahat ng diosdiosan na ginawa ng kaniyang mga magulang.
13 At si Maacha naman na kaniyang ina ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't gumawa ng karumaldumal na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at sinunog sa batis Cedron.
14 Nguni't ang matataas na dako ay hindi inalis: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa Panginoon sa lahat ng kaniyang kaarawan.
15 At kaniyang ipinasok sa bahay ng Panginoon ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at ang mga bagay na itinalaga niya, pilak, at ginto, at mga sisidlan.