60 Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba.
61 Kaya't maging sakdal nawa ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito.
62 At ang hari, at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon.
63 At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon, na dalawang pu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawang pung libong tupa. Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon.
64 Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon: sapagka't doon niya inihandog ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
65 Sa gayo'y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon at ang buong Israel na kasama niya, isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto sa harap ng Panginoon nating Dios, na pitong araw, at pitong araw, sa makatuwid baga'y labing apat na araw.
66 Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod, at sa Israel na kaniyang bayan.