2 Mga Cronica 24:20-26 TLAB

20 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.

21 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at binato siya ng mga bato, sa utos ng hari sa looban ng bahay ng Panginoon.

22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.

23 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.

24 Sapagka't ang hukbo ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan si Joas.

25 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.

26 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.