6 At sinabi ni David kay Abisai, Gagawa nga si Seba na anak ni Bichri ng lalong masama kay sa ginawa ni Absalom: kunin mo ngayon ang mga lingkod ng iyong panginoon, at habulin ninyo siya, baka siya'y makaagap ng mga bayan na nakukutaan, at makatanan sa ating paningin.
7 At nagsilabas na hinabol siya ng mga lalake ni Joab, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo, at ang lahat na makapangyarihang lalake; at sila'y nagsilabas sa Jerusalem, upang habulin si Seba na anak ni Bichri.
8 Nang sila'y na sa malaking bato na nasa Gabaon, ay sumalubong sa kanila si Amasa. At si Joab ay nabibigkisan ng kaniyang suot na pangdigma na kaniyang isinuot, at sa ibabaw niyaon ay ang pamigkis na may tabak na sukat sa kaniyang mga balakang sa kaniyang kaloban: at samantalang siya'y lumalabas ay nahulog.
9 At sinabi ni Joab kay Amasa, Mabuti ba sa iyo, kapatid ko? At hinawakan ni Joab sa balbas si Amasa ng kaniyang kanang kamay upang hagkan niya siya.
10 Nguni't si Amasa ay hindi nagingat sa tabak na nasa kamay ni Joab; sa gayo'y sinaktan siya sa tiyan, at lumuwa ang kaniyang bituka sa lupa, at hindi na siya inulit pa; at siya'y namatay. At si Joab at si Abisai na kaniyang kapatid ay humabol kay Seba na anak ni Bichri.
11 At tumayo sa siping niyaon ang isa sa mga bataan ni Joab, at nagsabi, Siyang nagpapabuti kay Joab at siyang kay David, ay sumunod kay Joab.
12 At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil.