1 At nagkaroon ng kagutom sa mga kaarawan ni David na taon taon, sa tatlong taon; at hinanap ni David ang mukha ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon, Dahil kay Saul, at dahil sa kaniyang salaring sangbahayan, sapagka't kaniyang pinatay ang mga Gabaonita.
2 At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)
3 At sinabi ni David sa mga Gabaonita, Ano ang gagawin ko sa inyo? at ano ang itutubos ko, upang inyong basbasan ang mana ng Panginoon?
4 At sinabi ng mga Gabaonita sa kaniya, Hindi kabagayan ng pilak o ginto sa amin at kay Saul, o sa kaniyang sangbahayan; kahit sa amin ang pumatay ng sinomang tao sa Israel. At kaniyang sinabi, Ano ang inyong sasabihin, na aking gagawin sa inyo?
5 At kanilang sinabi sa hari, Ang lalake na pumupugnaw sa amin, at yaong nagbabanta laban sa amin, na kami ay malipol sa pagtahan sa alinman sa mga hangganan ng Israel,
6 Ay ibigay sa amin ang pito sa kaniyang mga anak, at aming ibibitin sa Panginoon sa Gabaa ni Saul na pinili ng Panginoon. At sinabi ng hari, Aking ibibigay sila.
7 Nguni't ang hari ay nanghinayang kay Mephiboseth na anak ni Jonathan na anak ni Saul, dahil sa sumpa ng Panginoon na namamagitan sa kanila, kay David at kay Jonathan na anak ni Saul.