11 Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.
12 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magkakaroon pa uli sa dakong ito, na sira, na walang tao at walang hayop, at sa lahat ng bayan nito, ng tahanan ng mga pastor na nagpapahiga ng kanilang kawan.
13 Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon.
14 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel, at tungkol sa sangbahayan ni Juda.
15 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya'y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain.
16 Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran.
17 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Si David ay hindi kukulangin kailan man ng lalake na mauupo sa luklukan ng bahay ng Israel;