Jeremias 33:7-13 TLAB

7 At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda, at ang nangabihag sa Israel, at aking itatayo sila na gaya nang una.

8 At aking lilinisin sila sa lahat nilang kasamaan, na kanilang pinagkasalahan laban sa akin; at aking ipatatawad ang lahat nilang kasamaan na kanilang ipinagkasala laban sa akin, at kanilang ikinasalangsang laban sa akin.

9 At ang bayang ito ay magiging pinakapangalan ng kagalakan sa akin, pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian, sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila, at mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya.

10 Ganito ang sabi ng Panginoon, Maririnig pa uli sa dakong ito, na inyong sinasabi, Sira, na walang tao at walang hayop, sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, na sira, na walang tao at walang mananahan, at walang hayop.

11 Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.

12 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magkakaroon pa uli sa dakong ito, na sira, na walang tao at walang hayop, at sa lahat ng bayan nito, ng tahanan ng mga pastor na nagpapahiga ng kanilang kawan.

13 Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon.