10 At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na.
11 Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok.
12 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.
13 At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya.
14 Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.
15 Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.