1 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.
2 Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.
3 Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
4 Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
5 Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila; sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
6 Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
7 Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.