3 At ang pintuang-bayan ng mga isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon.
4 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Meremoth na anak ni Urias, na anak ni Cos. At sumunod sa kanila ay hinusay ni Mesullam, na anak ni Berechias, na anak ni Mesezabeel. At sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Baana.
5 At sumunod sa kanila ay hinusay ng mga Tecoita; nguni't hindi inilagay ng kanilang mga mahal na tao ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang Panginoon.
6 At ang dating pintuang-bayan ay hinusay ni Joiada na anak ni Pasea at ni Mesullam na anak ni Besodias; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, at ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon.
7 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Melatias na Gabaonita, at ni Jadon na Meronothita, ng mga lalaking taga Gabaon, at taga Mizpa, na ukol sa luklukan ng tagapamahala sa dako roon ng Ilog.
8 Sumunod sa kanila ay hinusay ni Uzziel na anak ni Harhaia, na platero. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na isa sa mga manggagawa ng pabango, at kanilang pinagtibay ang Jerusalem, hanggang sa maluwang na kuta.
9 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Repaias na anak ni Hur, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.