66 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.
67 Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.
68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;
69 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.
70 At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.
71 At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.
72 At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.