1 Corinto 7:10-11 ASND

10-11 Ngayon, sa inyong mga may asawa, may utos ako na sinabi mismo ng Panginoon: Hindi dapat hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung hihiwalay ang babae sa kanyang asawa, dapat manatili siyang walang asawa o di kayaʼy bumalik na lang sa kanyang asawa.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Corinto 7

Tingnan 1 Corinto 7:10-11 sa konteksto