1 Mga kapatid, natutunan nʼyo sa amin kung paano mamuhay nang kalugod-lugod sa Dios, at ito nga ang ginagawa ninyo. Hinihiling namin ngayon sa pangalan ng Panginoong Jesus na lalo nʼyo pa sana itong pag-ibayuhin.
2 Sapagkat alam naman ninyo ang mga utos ng Panginoong Jesus na ibinigay namin sa inyo:
3 Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad.
4 Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,
5 at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Dios,