3 Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad.
4 Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,
5 at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Dios,
6 upang sa ganoon, hindi kayo makagagawa ng masama o mananamantala ng kapwa, dahil parurusahan ng Dios ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng sinabi at pinaalala namin sa inyo noon pa.
7 Tinawag tayo ng Dios para mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.
8 Ang sinumang hindi sumusunod sa mga utos na ito ay hindi sa tao sumusuway kundi sa Dios na nagbibigay sa inyo ng kanyang Banal na Espiritu.
9 Ngayon, tungkol sa pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon, hindi na kayo kailangang paalalahanan pa tungkol dito, dahil ang Dios na mismo ang nagturo sa inyo na magmahalan.