20 at huwag ninyong hamakin ang mga pahayag ng Dios.
21 Sa halip, suriin ninyong mabuti ang lahat para malaman kung galing ito sa Dios o hindi. Panghawakan nʼyo ang mabuti,
22 at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.
23 Pakabanalin nawa kayong lubos ng Dios na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao – ang espiritu, kaluluwa at katawan – hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
24 Tapat ang Dios na tumawag sa inyo, at gagawin niya itong mga sinasabi namin.
25 Ipanalangin nʼyo rin kami, mga kapatid.
26 Magiliw ninyong batiin ang lahat ng mga kapatid diyan.