2 At kung mga mananampalataya rin ang amo nila, hindi sila dapat mawalan ng paggalang dahil lang sa magkakapatid sila sa pananampalataya. Sa halip, lalo pa nga nilang dapat pagbutihin ang paglilingkod nila dahil kapwa mananampalataya ang nakikinabang sa paglilingkod nila, at mahal din ng Dios.Ituro mo ang mga bagay na ito at hikayatin silang sundin ito.
3 Kung may nagtuturo man nang salungat dito at hindi naaayon sa tamang turo ng ating Panginoong Jesu-Cristo, at mga turo tungkol sa pagsunod sa Dios,
4 ang taong itoʼy mayabang pero wala namang nalalaman. Gusto lang niyang makipagtalo na nauuwi lang naman sa inggitan, alitan, paninira, pambibintang,
5 at walang tigil na awayan. Ito ang ugali ng taong baluktot ang pag-iisip at hindi na nakakaalam ng katotohanan. Inaakala nilang ang kabanalan ay paraan ng pagpapayaman.
6 Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman.
7 Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito.
8 Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.