17 Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap.
18 Kung siya man ay nagkasala o nagkautang sa iyo, ako na lamang ang singilin mo.
19 Ako mismo, si Pablo, ang sumulat nito: Ako ang magbabayad sa anumang pagkakautang niya sa iyo. Kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong pagkakilala kay Cristo.
20 Kaya kapatid, pagbigyan mo sana ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Paligayahin mo ang puso ko bilang kapatid kay Cristo.
21 Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.
22 Siya nga pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makakabalik sa inyo dahil sa inyong panalangin.
23 Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Cristo Jesus.