4 Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita,
5 dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal ng Dios.
6 Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya, ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo.
7 Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya na nagpasigla sa kanila.
8 Ngayon, bilang apostol ni Cristo, maaari kitang utusan kung ano ang dapat mong gawin,
9 pero dahil mahal kita, minarapat kong makiusap na lamang sa iyo. Kaya bilang isang nakatatanda at bilanggo dahil kay Cristo,
10 nakikiusap ako sa iyo para kay Onesimus, na sana patawarin mo na siya. Siyaʼy naging anak ko sa pananampalataya rito sa bilangguan.