24-25 Kaya ipinadala niya ang kamay na iyon para isulat ang mga katagang ito:“Mene, Mene, Tekel, Parsin.
26 Ang ibig sabihin nito:Ang Mene ay nangangahulugan na bilang na ng Dios ang natitirang araw ng paghahari mo, dahil wawakasan na niya ito.
27 Ang Tekel ay nangangahulugan na tinimbang ka ng Dios at napatunayang ikaw ay nagkulang.
28 Ang Parsin ay nangangahulugan na ang kaharian moʼy mahahati at ibibigay sa Media at Persia.”
29 Pagkatapos magsalita ni Daniel, iniutos ni Haring Belshazar na bihisan si Daniel ng maharlikang damit at suotan ng gintong kwintas. At ipinahayag ng hari na siya ay magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Babilonia.
30 Nang gabi ring iyon, pinatay si Belshazar na hari ng mga taga-Babilonia.
31 At si Darius na taga-Media ang pumalit sa kanya, na noon ay 62 taong gulang na.