13 Kayo na ang humatol, angkop ba sa isang babae ang makitang nananalangin nang walang takip sa ulo?
14 Hindi ba't kalikasan na rin ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa isang lalaki ang magpahaba ng buhok,
15 ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.
16 Ngunit kung may gusto pang makipagtalo tungkol dito, wala akong masasabi kundi ito: sa pagsamba, wala kaming ganoong kaugalian, gayundin ang mga iglesya ng Diyos.
17 Tungkol sa mga babanggitin ko ngayon, hindi ko kayo maaaring ipagmalaki dahil ang inyong pagtitipon ay hindi nakakabuti, subalit nakakasama.
18 Una sa lahat, nabalitaan ko na kayo'y nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon, at ako'y naniniwalang may katotohanan iyan.
19 Kailangan ngang magkabukud-bukod kayo upang makilala kung sinu-sino sa inyo ang mga tapat.