15 ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo.
16 Ngunit kung may gusto pang makipagtalo tungkol dito, wala akong masasabi kundi ito: sa pagsamba, wala kaming ganoong kaugalian, gayundin ang mga iglesya ng Diyos.
17 Tungkol sa mga babanggitin ko ngayon, hindi ko kayo maaaring ipagmalaki dahil ang inyong pagtitipon ay hindi nakakabuti, subalit nakakasama.
18 Una sa lahat, nabalitaan ko na kayo'y nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon, at ako'y naniniwalang may katotohanan iyan.
19 Kailangan ngang magkabukud-bukod kayo upang makilala kung sinu-sino sa inyo ang mga tapat.
20 Kaya't sa inyong pagtitipon, hindi Banal na Hapunan ng Panginoon ang kinakain ninyo.
21 Sapagkat ang bawat isa sa inyo'y nagmamadali sa pagkain ng kanyang baong pagkain, kaya't nagugutom ang iba at ang iba nama'y nalalasing.